Specialized care sa mga pasyenteng nasa bingit na ng kamatayan isinulong
MANILA, Philippines – Nais ni Senator Teofisto “TG” Guingona III na magkaroon ng batas na titiyak na maalagaan nang husto ang mga pasyenteng nanganganib na ang buhay.
Sa kanyang Senate Bill 3008 o Palliative and Hospice Care Act, nais ni Guingona na magkaroon ng isang “multidisciplinary care” na magpapabuti sa buhay ng mga pasyente na nahaharap sa ‘life-threatening illness’.
Ang panukala ay bilang tugon na rin sa panawagan ng World Health Assembly na kilalanin ang “palliative care” bilang isang bahagi ng integrated, people-centered health services sa halip na isang optional service.
Ang palliative at hospice care ay isasama sa istruktura at financing ng Philippine Health Care system sa pamamagitan ng pagpapalakas at pagpapalawak ng human resources kabilang na ang training ng mga kasalukuyang health professionals.
Sinabi ni Guingona na dapat bigyan ang mga may sakit at elderly ng pagkakataon hindi masyadong masaktan sa kanilang karamdaman.
“Let us give our sick or elderly loved ones the chance to ease into the end of life comfortably and painlessly, as much as possible. Toward the end of their journey, let us make them feel that we have done the most that we can for them,” ani Guingona.
- Latest