^

Bansa

Medical marijuana ipipilit sa Kamara

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Lalong ginanahan si Isabela Rep. Rodito Albano na isulong ang medical marijuana kasunod ng pagsasa-legal nito sa Colombia.

Ayon kay Albano, author ng House Bill 4477 o Compassionate Use of Medical Cannabis Act, ang development na ito sa Colombia ay patunay lamang na malaki talaga ang tulong-medikal ng marijuana.

Idinagdag pa ni Albano, na halos lahat naman ng bansa sa Latin Amerika ay ligal na ang marijuana.

Maging ang mga presidentiable anya ng iba’t ibang estado ay pabor na gawing ligal ang paggamit nito.

Dahilan dito kaya itutuloy ni Albano sa Enero ang laban sa medical marijuana.

Ito ay dahil sa sa ngayon ay nasa technical wor­king group ng House Committee on Health ang marijuana bill para i-consolidate ang inputs ng authors, resource persons at mga ahensya ng gobyerno mula sa unang pagdinig ng komite sa panukala.

ACIRC

ALBANO

ANG

AYON

COMPASSIONATE USE OF MEDICAL CANNABIS ACT

DAHILAN

HOUSE BILL

HOUSE COMMITTEE

ISABELA REP

LATIN AMERIKA

RODITO ALBANO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with