^

Bansa

NPA lumabag sa unilateral ceasefire

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Lumabag ang New People’s Army (NPA) sa idineklara nitong 12-araw na unilateral ceasefire matapos na paulanan ng bala ang tropa ng militar sa Brgy. Bitaugan, San Miguel, Surigao del Sur nitong Miyerkules ng umaga.

Agad namang kinondena ng Army’s 4th Infantry Division (ID) ang insidente.

Sa ulat ni Col. Isidro Purisima, Commander ng Army’s 402nd Brigade sa Tandag City, bandang alas-9:30 ng umaga nang paulanan ng bala ng NPA rebels ang tropa ng Army’s 2nd Special Forces Battalion  na nakabase sa Brgy. Bitaugan, San Miguel ng lalawigang ito.

Ayon sa opisyal nasa naturang lugar ang mga sundalo upang tulungan ang mga Local Government Units (LGUs ) na maipaabot ang tulong pangkaunlaran sa mga mamamayan ng nasabing lugar.

Sinabi ni Purisima na patunay lamang ito na hindi kontrolado ng CPP- NPA ang kanilang mga kasamahan at hindi sinsero sa kanilang idineklarang unilateral ceasefire na tinapatan rin ng AFP.

Gayunman, taliwas sa inaasahan ng mga rebelde ay mabilis na pumosisyon ang inaatakeng mga sundalo na nakipagpalitan ng putok sa mga kalaban hanggang sa magsiatras ang mga ito.

Tiniyak naman ng opisyal na tatalima at irerespeto nila ang 12 araw na tigil putukan na idineklara ng admi­nistrasyon ni PNoy pero dapat ay matuto ring sumunod ang NPA rebels sa kanilang pangako.

Nag-umpisa ang unilateral ceasefire ng CPP-NPA nitong Disyembre 23 ng madaling araw na tatagal hanggang Enero 3, 2016.

ANG

BITAUGAN

BRGY

INFANTRY DIVISION

ISIDRO PURISIMA

LOCAL GOVERNMENT UNITS

MGA

NEW PEOPLE

SAN MIGUEL

SPECIAL FORCES BATTALION

TANDAG CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with