State of National Calamity idineklara ni PNoy
MANILA, Philippines – Idineklara ni Pangulong Aquino ang state of national calamity sa Visayas at Bicol regions na sinalanta ng bagyong Nona. Nakapaloob ang deklarasyon sa ipinalabas na Proclamation 1186.
Kabilang sa mga lugar na labis na naapektuhan ng bagyo ang mga probinsiya ng Albay, Northern Samar, Oriental Mindoro, Romblon, at Sorsogon.
Nakasaad sa proclamation na mas mapapabilis ang rescue, recovery, relief at rehabilitation efforts ng gobyerno at ng pagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan ng mga biktima ng bagyo dahil sa pagdedeklara ng state of calamity.
Mas magiging epektibo rin ang pagkontrol sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga naapektuhang lugar.
Dahil sa proclamation, ang lahat ng mga ahensiya ng gobyerno ay inaatasan na magpatupad ng rescue, recovery, relief at rehabilitation works ng naaayon sa operational plans ng pamahalaan.
Inaatasan din sila na magkipagtulugan sa pagbibigay ng mga basic services sa mga apektadong lokalidad.
Mananatiling ang state of calamity hangga’t hindi tinatanggal ng Pangulo.
- Latest