Australia nagpalipad ng military plane sa West Philippine Sea
MANILA, Philippines – Iginagalang ng Malacañang ang pagpapalipad ng military plane ng Australia sa West Philippine Sea.
Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma, karapatan ng Australia bilang sovereign state ang isinagawang hakbang dahil kabilang aniya ang naturang bansa sa stakeholder sa isyu sa territorial dispute.
Isa rin aniya ang Australia sa mga bansang nagsusulong ng freedom of navigation sa West Philippine Sea.
Katunayan anya, sa nakaraang ASEAN East Asia Summit kung saan kabilang ang Australia, sumang-ayon ito na kailangang ipatupad ang prinsipyo ng malayang paglalayag at paglipad sa disputed areas at gayundin sa isang mapayapang paraan upang maresolba ang agawan sa teritoryo.
Kamakalawa ay napaulat ang pagpapalipad ng Royal Australian Air Force patrol plane sa himpapawid ng WPS bilang bahagi ng pagpapatrolya ng nasabing bansa.
- Latest