Pinas wagi sa world cheering competition
MANILA, Philippines – Muli na namang pinatunayan ang galing ng mga Pinoy matapos na magwagi sa katatapos na 8th Cheerleading World Competition (CWC) na ginanap sa Max Schmeling Hale sa Berlin, Germany kamakailan.
Ayon sa Department of Foreign Afairs, nag-uwi sa bansa ng dalawang silver at tatlong bronze medal ang team ng Pilipinas sa katatapos lang na kompetisyon.
Sinabi ng DFA na binubuo ng Philippine team ngayong taon sa naturang world championships ang University of the Philippines (UP) Pep Squad, ang Quezon City Performing Arts Development Foundation, Inc. (PADFI) at Ballet Philippines.
Matapos ang kanilang nakuhang puwesto, pinapurihan sila ng Embahada ng Pilipinas na siyang nag-host ng dinner para sa mga cheering team ng bansa.
Unang hinimok ng Embahada ang Filipino community sa pamamagitan ng pag-post sa website at e-newslteer upang suportahan ang tean ng Pilipinas.
Nabatid na may 1,300 participants mula sa 10 bansa ang nagpartisipa sa nasabing kompetisyon ngayong taon.
- Latest