^

Bansa

‘No Bio, No Boto’ tuloy - SC

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tuloy na ang ‘No Bio, No Boto’ policy ng Commission on Elections (Comelec) matapos ideklarang ‘dissolved’ ng Korte Suprema ang inilabas na temporary restraining order na kanilang inisyu noong Disyembre 1 batay na rin sa petisyon ng Kabataan partylist.

Ayon sa SC, ibinasura nila ang petition ng Kabataan partylist dahil na rin sa lack of merit.

Dahil dito, mas pinaboran ng SC ang  argumento ng Comelec na nagsasabing ang layunin ng ‘No Bio, No Boto’ ay ang pagkilala sa “qualification” at “registration” sa halalan upang makaboto.

Paliwanag ng SC, maganda ang naging layunin ng Comelec na linisin ang national voter registry kung saan nangyayari ang dayaan ay posibleng magdulot ng masamang  epekto sa bansa.

Subalit ayon naman sa Kabataan party­list, umaabot pa rin sa 3,599,906 ang hindi nakapagparehistro sa kabila ng implementasyon ng “No Bio, No Boto” hanggang September 30, 2015.

Ikinatuwa naman ni Comelec Chairman Andres Bautista ang desis­yon ng SC sa pagsasabing tuluy-tuloy na ang pagsasapinal ng listahan ng mga  botante at project ng mga precincts.

Matatandaang nagpahayag ng pangamba ang Comelec na posibleng ma-postpone ang May 9, 2016 election kung hindi aalisin ng SC ang TRO sa “No bio, No boto” policy.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN ANDRES BAUTISTA

DAHIL

KABATAAN

KORTE SUPREMA

NBSP

NO BIO

NO BOTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with