^

Bansa

Comelec en banc, bigong desisyunan ang MR ni Poe

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bigo ang Commission on Elections na maglabas ng  desisyon sa motion for reconsi­deration ni Sen. Grace Poe na kumukuwestiyon sa ginawang pagkansela ng Comelec 2nd division sa kanyang certificate of candidacy sa pagkapangulo.

Dahil dito, sinabi ni Come­lec Chairman Andres Bautista na muling isasalang sa deli­berasyon ng Comelec En Banc sa kanilang regular session ngayon ang apela ni Poe.

Ngayon din nakatakdang ipalabas ng Comelec ang pinal na listahan ng mga kandidato sa Eleksyon 2016.
Nakadepende umano ang mga nasabing usapin sa magiging resulta ng en banc session ngayon.

Samantala, nag-inhibit si Comelec Commissioner Christian Robert Lim sa pagtalakay ng Comelec En Banc sa motion for reconsideration ni Poe laban sa naging desisyon ng Comelec 2nd Division na nagkansela sa kanyang CoC sa pagkapangulo.

Ayon kay Lim, dati niyang associate sa law firm si Atty. Estrella Elamparo, ang naghain ng petitioner laban kay Poe.

Nakasama umano niya si Elamparo sa Lim, Ocampo and Canderlia Law Offices nuong 2002. Dahil dito, inaasahang anim na miyembro na lamang ng Comelec En banc ang magbobotohan sa apela ni Poe.

ACIRC

ANG

CHAIRMAN ANDRES BAUTISTA

COMELEC

COMELEC COMMISSIONER CHRISTIAN ROBERT LIM

COMELEC EN

COMELEC EN BANC

DAHIL

ESTRELLA ELAMPARO

GRACE POE

OCAMPO AND CANDERLIA LAW OFFICES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with