^

Bansa

Grace Poe laglag sa Sorsogon!

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

Mar-Chiz na kami

MANILA, Philippines – “Dito sa lalawigan ng Sorsogon understandable na yun. Nung pagpunta palang dito ni (dating In­terior and Local Government Secretary Mar Roxas, na explain na namin na kakaiba ang Sorsogon dahil tagarito sa amin si Senator Chiz, Mar-Chiz na kami”.

Ito ang sinabi ni Sor­sogon provincial admi­nistrator at kasalukuyang Liberal Party gubernatorial candidate Robert Bobet Lee-Rodrigueza na naglinaw na ang kanilang susuportahan ay si Ro­xas para pangulo at Senator Chiz Escudero bilang vice president.

Bagamat katamdem ni Escudero si Senador Grace Poe ay aminado ang lalawigan na may napili na sila sa pagkapanguluhan at batid nilang hindi ito ikasasama ng loob ni Escudero.

Si Escudero ang tumatayong kingpin o godfather ng pulitika sa Sorsogon  at kaalyado ng senador sina incumbent governor Raul Lee, at Sorsogon 2nd District representative Deogracias Ramos.

Ang pamilya Lee at Ramos ay mga miyembro ng Liberal party.

Matatandaan na una nang isinisi ni Polytechnic University of the Philippines Professor at Political Analyst Joey Sindayen Pinalas kay Escudero, tumatayong campaign strategist at pangunahing legal adviser ni Poe, ang pagkakadiskuwalipika dito ng Commission on Elections.

Sinabi din ni Pinalas na “trojan horse politics” ang uri ng pulitika ni Escudero dahil malikot, patago, at pailalim ang mga galaw nito. Inihalimbawa niya ang pagsasantabi na lamang umano ni Escudero sa kanyang mga dating supporters na sina dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, Joseph Estrada, mga dating Senador Manny Villar, at Panfilo Lacson, reelectionist Senator Serge Osmeña, at business tycoon Danding Cojuangco na ngayon ay kaaway na ng senador sa kabila ng malaking suporta ng mga ito sa kandidatura nito.

ACIRC

ANG

DANDING COJUANGCO

DEOGRACIAS RAMOS

ESCUDERO

JOSEPH ESTRADA

LIBERAL PARTY

LOCAL GOVERNMENT SECRETARY MAR ROXAS

MAR-CHIZ

PANFILO LACSON

SORSOGON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with