^

Bansa

Pagpatay ni Duterte imbestigahan – Chiz

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matapos tahasang aminin na may pinatay na mga kidnaper, sinabi kahapon ni Sen. Chiz Escudero na dapat imbestigahan ng mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na kumakandidatong presidente ng bansa. 

Ayon kay Escudero na kumakandidatong bise presidente, may trabahong dapat gampanan ang mga ahensiya ng gobyerno tungkol sa ginawang pag-amin ni Duterte.

Pero mas makakabuti aniyang gawin ito pagkatapos na ng eleksiyon upang hindi masabing ginigipit o pini-pressure si Duterte.

Inihalimbawa ni Escudero ang nangyayari sa kanila ng kanyang running mate na si Sen. Grace Poe na kumakandidatong presidente na may kinakaharap na mga disqualification cases.

“We are on the receiving end, Senator Grace and I of that equation. Naniniwala kami ni Sen. Grace sa basic rule. Do not do unto o­thers what you do not want ­others to do unto you,” ani Escudero.

Kung may pananagutan umano sa batas si Duterte, dapat itong harapin pagkatapos ng eleksiyon.

Kinontra rin ni Escudero ang pananaw ni Duterte na mareresolba lamang ang problema ng peace and order sa bansa sa pamamagitan ng pagpatay sa mga kriminal.

Sinabi ni Escudero na hindi maaring itama ang isang pagkakamali sa pamamagitan ng paggawa ng isa pang pagkakamali.

Sa isang demokrasyang bansa aniya ay may mga proseso na dapat sundin at ang susunod na pangulo ng bansa ay manunumpa na dapat ipatupad ang batas.

Matatandaan na inamin ni Duterte sa isang pana­yam sa radyo na may pinatay siyang tatlong kidnaper sa Davao City.

ACIRC

ANG

AYON

CHIZ ESCUDERO

DAVAO CITY

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

DUTERTE

ESCUDERO

GRACE POE

INIHALIMBAWA

SENATOR GRACE AND I

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with