^

Bansa

‘Digong’ hindi pa presidential candidate – Comelec

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi pa rin itinuturing ng  Commission on Elections (Comelec) na opisyal nang kandidato si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa kabila ng paghahain nito ng kanyang  certificate of candidacy (COC)  kamakalawa.

Nauna nang naghain ng kanyang COC si Duterte noong Nobyembre 27 sa pamamagitan ng kanyang representante na si Atty. Salvador Medialdea. Ayon kay  Comelec Chair Andres Bautista, sinabi nito na pag-uusapan pa sa en banc meeting ang kaso ni Duterte lalo pa’t may nakasampa ding kaso laban  naman sa substitution ni Duterte kay Martin Diño.

Nagsampa ng petisyon noong Nobyembre 27 ang brod­kaster na si Ruben Castor para ideklarang null at void ang COC ni Diño. Ani Bautista, kaagad nilang niraffle ito at nabunot ang first division na didinig sa kaso. Kailangan aniyang maging maayos at masusi ang pagdinig  upang maging patas sa lahat.

Pero hangga’t hindi pa natatapos ang pagdinig sa kaso at natatanggap ng Comelec ang substitution, aniya hindi pa rin maituturing na opisyal na kandidato si Duterte.

 

ANG

ANI BAUTISTA

ATILDE

COMELEC

COMELEC CHAIR ANDRES BAUTISTA

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

DUTERTE

NBSP

NOBYEMBRE

RUBEN CASTOR

SALVADOR MEDIALDEA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with