^

Bansa

Salpukan ng 2 bus: 14 sugatan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Labing apat katao ang nasugatan sa banggaan ng dalawang pampasaherong bus sa EDSA, Ortigas Mandaluyong City, kamakalawa ng gabi.

Isinugod sa Mandaluyon Medical Center at East Ave­nue Medical Center ang mga biktima na nagtamo ng mga pinsala sa ibat ibang bahagi ng katawan.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ni Mandaluyong Traffic Bureau dakong alas-11:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng EDSA Southbound lane Ortigas Avenue Mandaluyong City.

Nabatid na binabagtas ng Alabang Metro Link Bus na may plakang TYV-844 at isang Taguig Metro Link na may plakang  UYA-611 ang kahabaan ng EDSA Southbound lane nang mawalan ng kontrol ang Alabang Metro Link na bumangga sa likod ng isa pang bus.

Base sa salaysay ng konduktor ng Taguig Metro Link Bus na si Arturo Tiu , nakahinto sila sa stop light nang bigla na lamang silang binundol sa likod ng Alabang Metro Link Bus.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga ay naipit ang driver ng Alabang bus na si Reynaldo Paneza dahil nagtamo ng pinsala sa ulo at ibang ibang bahagi ng kanyang katawan at nawasak ang wind shield at harapan ng bahagi ng sasakyan.

Tumilapon naman ang mga pasahero ng Alabang Metro Link Bus at 13 dito ang sugatan na agad naman naisugod sa dalawang nasabing pa­gamutan.

ACIRC

ALABANG METRO LINK

ALABANG METRO LINK BUS

ANG

ARTURO TIU

BUS

EAST AVE

MANDALUYON MEDICAL CENTER

MANDALUYONG TRAFFIC BUREAU

MEDICAL CENTER

ORTIGAS AVENUE MANDALUYONG CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with