^

Bansa

Ayon sa 3 legal experts: Poe mabigat ang problema

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Iisa ang naging opinyon ng tatlong legal experts sa pagsasabing mahihirapan si Sen. Grace Poe na baligtarin ang naging desisyon ng Commission on Elections kung saan siya diniskuwalipika sa pagtakbo nito sa 2016 elections.

Ayon kay election lawyer Romulo Macalintal, may basehan ang naging desisyon ng Comelec 2ndDivision  lalo pa’t inamin ni Poe na anim na taon at anim na buwan pa lamang siyang naninirahan sa Pilipinas nang siya ay maghain ng kanyang certificate of candidacy noong May 2013 elections.

Hindi naman nakikita ni litigation lawyer Raymond Fortun na babaligtarin nina  Comelec Commissioners Al Parreno, Arthur Lim, at Sheriff Abas na pawang mga miyembro ng Second Division ang disku­walipikasyon. 

“From experience, a unanimous decision is already an ominous sign. It is highly unlikely that these same commissioners would change their mind,” wika nya.

Sinabi naman ni poll lawyer Carlo Vistan na ang COC ni  Poe noong  2013 ay maitutu­ring na “admission against her interest” kaya’t imposible na nitong mabaligtad ang  desisyon ng Comelec 2nddivision.
“In that sense it will be difficult for her to seek a reversal of the Comelec division’s ruling against her since the primary evidence is her own declaration that will contradict her 10-year claim,” dagdag nya.

Sa ruling ng Comelec, pinaboran nito ang petisyon  ni Atty. Estrella Elamparo na nagkukuwestiyon sa residency ni Poe at nagsasabing hindi pa nito nakukuha ang kanyang  10-year residency na isinasaad ng Constitution para sa isang  presidential candidate. 

“That kind of evidence, statements or admission against one’s own interest, that’s a very good evidence against a person. In other words, parang umamin ka o nagsabi ka ng isang bagay na kino-contradict ‘yung sinasabi mo ngayon,” ani Vistan.
Binigyan diin pa ng tatlong legal experts na kailangan ni Poe  na maglabas ng bagong ebidensiya  upang makumbinse ang Comelec en banc upang mabaligtad ang  desisyon.

ACIRC

ANG

ARTHUR LIM

CARLO VISTAN

COMELEC

COMELEC COMMISSIONERS AL PARRENO

ESTRELLA ELAMPARO

GRACE POE

NBSP

RAYMOND FORTUN

ROMULO MACALINTAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with