^

Bansa

Free Higher Education sa SUCs ipasa bago Xmas - Gatchalian

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hiniling ni Valenzuela Rep. Win Gatchalian (Natio­nalist People’s Coalition) sa Kongreso na ipasa na ang panukalang libreng matrikula sa lahat ng State Universities and Colleges bago mag-recess ang Kongreso ngayong Kapaskuhan.

Sinabi ni Valenzuela City Rep. Gatchalian na dapat gawing prayoridad ang pagpasa sa House Bill 5905 o ang Free Higher Education Act bago magbakasyon ang Kamara ngayong Disyembre 18.

Sinabi pa ni Gatchalian na magandang regalo ito sa lahat ng mga kabataan at estudyante na nais mag-aral subalit walang kakayahang pinansyal para sustentuhan ang kanilang pag-aaral ng kolehiyo maski sa mga SUC’s.

“Ang free SUC tuition ay isang regalong patuloy na magbibigay. Binibigyan nito ng kakayahan ang mahihirap pero karapatdapat na mga estudyante na makapag-aral at makapagtapos sa kolehiyo at makapagpatuloy ng kanilang karera. Kapalit nito, ang mga estudyanteng ito na magiging propesyonal ay magbabayad sa tuition subsidy sa pamamagitan ng kanilang personal tax liabilities na tataas dahil sa kanilang kapasidad na kumita nang malaki,” dagdag ni Gatchalian na kandidatong senador ng NPC sa halalan sa 2016.

ACIRC

ANG

FREE HIGHER EDUCATION ACT

GATCHALIAN

HOUSE BILL

KONGRESO

SINABI

STATE UNIVERSITIES AND COLLEGES

VALENZUELA CITY REP

VALENZUELA REP

WIN GATCHALIAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with