Cayetano umangat sa NCR
MANILA, Philippines – Nakapagtala ng dobleng rating sa pinakabagong survey ng Pulse Asia sa National Capital Region (NCR) si Sen. Alan Peter Cayetano, running mate ni presidential candidate at Davao City Mayor Rodrigo “Rody” Duterte.
Sa Pulse Asia survey na ginawa noong Nobyembre 11-12, nakakuha ng pinakamalaking dagdag sa puntos si Sen. Cayetano kumpara sa iba pang kumakandidato sa pagka-bise presidente.
Nadagdagan ng 10 percent si Cayetano, na naging 20 percent mula sa 10% noong Setyembre.
Samantala, ang puntos naman ni Sen. Chiz Escudero ay tumaas lamang ng 5% (27-32), ang kay Marcos ay tumaas ng 3% (21-24), habang si Leni Robredo ay tumaas ng 9%.
Dahil sa malaking pagtaas sa rating ni Cayetano, ito ay statistically tied na kay Marcos, na pumapangalawa sa karera sa pagka-bise presidente.
Samantala, mistulang binuhusan naman ng malamig na tubig ang huling hirit ni Marcos na maging katambal si Duterte sa darating na halalan. Ito ay kahit pinal na ang tambalang Duterte at Cayetano.
Sa isang panayam, sinabi ni Duterte na si Cayetano na ang napili niyang running mate sa 2016 Presidential elections.
“Si Senator Cayetano, yan ang tandem namin, that’s the ticket,” sagot ni Duterte nang tanungin siya tungkol sa kanyang ka-tandem.
“Sa pagkakaintindi ko sila ni Senator Santiago, si Miriam, I met with him once but since then I have not talked to Bongbong.” Sabi ni Duterte.
Sinabi rin ng alkade na gustong makipag-usap sa kanya ni Senador Marcos pero binigyang diin niya na kay Senador Cayetano na ang kanyang commitment.
“He (Marcos) wants to talk to me, I am ready, but, sabi ko I am sorry, I am committed. I cannot change horses. Commitments are commitments, it’s your word of honor,” dagdag niya.
- Latest