PNoy mangunguna sa climate change forum
MANILA, Philippines – Tutulak ngayon sa Paris si Pangulong Aquino para dumalo sa climate change conference.
Sinabi ni Communications Secretary Sonny Coloma, nasa 20 bansa ang dadalo sa nasabing forum na kinabibilangan ng mga developing countries na siyang higit na apektado ng mga kalamidad na dulot ng climate change.
Layunin umano ng forum na makalikom ng pondo mula sa mga pribadong sektor para itulong sa mga mahihirap na bansang madalas nakakaranas ng sakuna gaya ng Pilipinas.
Ayon kay Coloma, isusulong ng Pilipinas ang commitment nitong bawasan ang carbon emission ng bansa pagsapit ng 2030 sa pamamagitan ng paggamit ng renewable energy.
Ayon sa Palasyo, mahalaga ang pagkakaroon ng matibay na kasunduan sa kampanya laban sa climate change dahil isa ang Pilipinas sa mga higit na apektado lalo na sa sektor ng agrikultura at food security sa bansa.
Una nang iniulat sa report ng Asian Development Bank (ADB) na kabilang ang Pilipinas sa tatlong mga bansa na nasa “high risk” sa climate change disasters.
- Latest