^

Bansa

9-dash-line ng China sentro ng pagdinig sa Tribunal

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sumentro ang unang araw ng argumento ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration sa The Hague, Netherlands sa pagpiprisinta sa walong lumang mapa na hango pa raw sa Han at Ming dynasty na nagpapakita na hindi kasama sa teritoryo ng China ang mga islang inaangkin sa ilalim ng 9-Dash Line.

Lumutang sa mapa na hindi pag-aari ng China ang Spratlys dahil mas malapit ito sa Palawan na bahagi ng Pilipinas.

Binanggit din na ang pag-aangkin ng China sa mga lugar na saklaw ng 9-Dash Line ay nakakasagabal sa fishing at exploration activities ng Pilipinas

Matibay ang paninindigan ng delegasyon na ang isla na inaangkin ng China ay pag-aari ng bansa kung pagbabatayan ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Sa ilalim ng UNCLOS pasok sa bansa ang mga isla na nasa 200 nautical miles exclusive economic zone.

Taliwas ito sa ipinagla­laban ng China na 9-dash line na halos sumasakop na sa lahat ng isla sa West Philippine Sea.

Giit ni Deputy Presidential Spokesman Abi­gail Valte, sakaling manalo ang Pilipinas sa kaso laban sa China ay tagumpay ito ng samba­yanan.

Posible kasing gamitin ng ibang bansa ang desisyon ng korte para sa kanilang claims sa mga isla sa West Philippine Sea.

Umaasa naman si Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio, na sa loob ng apat hanggang anim na buwan ay maglalabas na ang arbitral court ng favorable ruling.

Gayunman, kaila­ngan din umanong isipin ang susunod na hakbang sakaling paboran ng korte ang Pilipinas para hindi tuluyang masira ang relas­yon ng bansa sa China.

ACIRC

ANG

CHINA

DASH LINE

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESMAN ABI

LAW OF THE SEA

PERMANENT COURT OF ARBITRATION

PILIPINAS

SUPREME COURT SENIOR ASSOCIATE JUSTICE ANTONIO CARPIO

UNITED NATIONS CONVENTION

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with