^

Bansa

Dawit sa CARP anomaly tugisin - Leni

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Muling iginiit ni Liberal Party vice presidential candidate Leni Robredo ang panawagang lumikha ng independent agrarian reform commission na mag-iimbestiga sa umano’y katiwalian sa pamimigay ng lupang sakahan.

“Sa marami na­ming pagdinig sa House Com­mittee on Agra­rian Reform, maraming alegasyon ng katiwalian ang lumutang pagdating sa pamimigay ng lupang sakahan,” wika ni Robredo sa round-table discussion sa iba’t-ibang media organizations.

Kasama si Robredo sa mga may akda ng House Bill No. 5841 o panukalang lilikha ng Agrarian Reform Commission na mag-iim­bestiga kung naisakatuparan nga ang Republic Act 6657, o Comprehensive Agrarian Reform Law.

Ayon kay Robredo, nasa 1,200,000 hanggang 2,700,000 hektarya ng lupain na sinasabing naipamigay na ay pinagdududahang hindi naipamudmod o nailipat sa kontrol ng farmer-beneficiaries.

ACIRC

AGRA

AGRARIAN REFORM COMMISSION

AYON

COMPREHENSIVE AGRARIAN REFORM LAW

HOUSE BILL NO

HOUSE COM

LENI ROBREDO

LIBERAL PARTY

REPUBLIC ACT

ROBREDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with