^

Bansa

Quezon City host ng National Volunteer Month sa Dis.

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ang QC government ang host ng taunang selebrasyon ng National Volunteer Month (NVM) ngayong taon na gaganapin sa Quezon Memorial Circle sa Disyembre 5.

Ngayon pa lamang ay inaasahan na ni QC Mayor Herbert Bautista na dadalo ang libu-libong volunteers mula sa barangays, academe, pribadong sektor, government at non-go­vernment organizations sa nabanggit na pagdiriwang.

Ang NVM 2015 ay bahagi pa rin ng pandaigdigang paggunita sa International Volunteers day na naglalayong hikayatin ang taumbayan na mag-alay ng  kanilang serbisyo nang walang hinihinging kapalit.

Katuwang dito ng lokal na pamahalaan ng QC ang International Association for Volunteer Effort - Philippines.

Maaga pa lamang sa Disyembre 5 ay sisimulan na ang selebrasyon sa pamamagitan ng zumba dance na gaganapin ng alas-5 ng umaga sa Cha­rito Planas garden sa loob ng QC Circle.

Tampok din ang nakatakdang “grand salu-salo” at malawakang pagtatanim ng mga puno ng ibat-ibang volunteer group sa loob mismo ng qc circle.

Bukod pa ito sa gaga­wing pag-iikot sa mga makasaysayang lugar sa loob ng QC circle kabilang na ang bagong bukas na QC museum.

ACIRC

ANG

BUKOD

DISYEMBRE

INTERNATIONAL ASSOCIATION

INTERNATIONAL VOLUNTEERS

KATUWANG

MAYOR HERBERT BAUTISTA

NATIONAL VOLUNTEER MONTH

QUEZON MEMORIAL CIRCLE

VOLUNTEER EFFORT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with