^

Bansa

Higit 100,000 mahihirap sa Metro Manila natukoy ng DSWD

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umaabot sa 123,270 pamilya sa Metro Manila ang natukoy na mahihirap sa isinagawang 2nd round assessment ng Department of Social Welfare and Development-National Capital Region mula Mayo hanggang Setyembre ngayon taon.

Sinabi ni DSWD-NCR regional director Alicia Bonoan makikita sa mga barangay hall ang mga pa­ngalan ng natukoy na mahihirap na pamilya.

Gayunman hindi lahat ng nasa listahan ng barangay ay mapapasama sa mabebenepisyuhan ng programa ng ahensiya dahil kailangan pa itong suriin ng publiko kung lehitimong mahihirap.

Dadaan din sa validation ng local validation committee na binuo ng City Municipal Social Welfare and Development Office; city municipal planning and development office; non-government organizations at civil society organizations ang mga natukoy na pamilya upang matiyak na lehitimong mahihirap ang mga nakatala doon.

Dinagdag ni Bonoan na ang listahan ang gagami­ting basehan ng pamahalaan na matukoy kung sino at nasaan ang mga pamilyang mahihirap na mabebenepisyuhan ng programang panlipunan batay sa mga itinakdang pamantayan ng ahensiya.

Kaugnay nito, hinikayat ng DSWD ang mamamayan na magtungo sa kanilang mga barangay hall at makiisa sa isinasagawang validation ng mga nasa listahan para matiyak na tunay na mahihirap ang nasa talaan.

ACIRC

ALICIA BONOAN

ANG

BONOAN

CITY MUNICIPAL SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT OFFICE

DADAAN

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT-NATIONAL CAPITAL REGION

DINAGDAG

GAYUNMAN

METRO MANILA

MGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with