Krimen bumaba sa panahon ng APEC
MANILA, Philippines – Bumaba ang mga insidente ng street crimes sa Metro Manila sa kasagsagan ng pagdaraos ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa bansa.
Sa report ni NCR-Regional Investigation and Detective Management Division (RIDM) Chief P/Sr. Supt. Joaquin Alva, mula Nobyembre 16 hanggang 19 ay mayroon lamang 120 kaso ang nairekord na mas mababa sa 138 street crimes noong Nobyembre 9-12.
Naging kapuna-puna rin ang pagbaba ng insidente ng nakawan na naitala sa 44 kaso sa panahon ng APEC week kumpara sa 56 kaso mula Nobyembre 9-12 habang ang robbery incidents ay bumaba rin sa 31 mula sa 35, isang linggo bago ang APEC.
Ayon kay PNP Spokesman Chief /Supt. Wilben Mayor, ang pagbaba ng krimen ay bunga ng pinalakas na police visibility at anti-criminality campaign na ginawa ng PNP, AFP at iba pang law enforcers para sa makasaysayang okasyon.
- Latest