^

Bansa

APEC nagtapos na

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naging matagumpay ang idinaos na APEC Summit na nagtapos na kahapon.

Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma, nagpapasalamat ang Malacañang sa taumbayan sa pakikiisa at pag-unawa sa ipinatupad na security measures para masiguro ang kaligtasan ng mga dumalong world leaders at kanilang mga delegado.

Dalawang bilateral talks pa ang isinagawa ni Pangulong Aquino sa New Zealand at Japan na magkasunod ginanap sa Hotel Sofitel kahit nag-adjourned na ang APEC.

Kahapon ay umuwi na rin ang ilan sa mga APEC leaders na ang ilan ay didiretso sa ASEAN Summit sa Malaysia kabilang na rito sina Pangulong Aquino at US Pres. Barack Obama.

Alas-10:00 ng umaga kahapon ay nilisan ni Colombian President Juan Manuel Santos ang Pilipinas. Ang Colombia ay inimbitahan lamang bilang observer sa APEC Summit ngayong taon dahil hindi ito opisyal na miyembro ng organisasyon.

Magkakasunod namang umalis kahapon sina Malaysian Prime Minister Dato Sri Mohd Najib Tun Abdul Razak; Sultan Hassanal Bolkiah ng Brunei; Australian Prime Minister Malcolm Turnbull; Singapore Prime Minister Lee Hsien Loong; Thailand Prime Minister Prayuth Chan-o-Cha at Chinese President Xi Jingping.

Umalis na rin kagabi sina Mexican President Enrique Pena Nieto, Vietnam President Truong Tan Sang, HongKong chief executive C Y Leung, President Michelle Bachelet ng Chile at Peruvian President Ollanta Humala Tasso.

Ngayon naman aalis sina Papua New Guinea Prime Minister Peter O’Neill, Canadian Prime Minister Justin Pierre James Trudeau, Indonesian Vice-President Jusuf Kalla, Korean President Park Geun-Hye, Hon. Vincent Siew ng Chinese Taipei, Japan Prime Minister Shinzo Abe.

Bandang alas-12 ng tanghali ngayon aalis si Pangulong Aquino kasama ang kanyang delegasyon patungong Kuala Lumpur, Malaysia upang dumalo sa ASEAN Summit.

Kasunod na aalis ni Pangulong Aquino si  Obama at bandang alas-12:30 ng hapon naman ay aalis na rin si New Zealand Prime Minister John Key.

Samantala, ang Russian Prime Minister Dmitry Medvedved ay nasa bansa pa at nakatakdang umalis sa Sabado pauwi sa Moscow. Nasarapan daw ang Russian PM dahil sa mainit na klima sa Maynila.

Pormal na nagtapos bandang alas-4:30 ng hapon kahapon ang 23rd APEC Summit na ginanap sa PICC.

ANG

ANG COLOMBIA

AUSTRALIAN PRIME MINISTER MALCOLM TURNBULL

BARACK OBAMA

C Y LEUNG

CANADIAN PRIME MINISTER JUSTIN PIERRE JAMES TRUDEAU

CHINESE PRESIDENT XI JINGPING

MINISTER

PANGULONG AQUINO

PRESIDENT

PRIME

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with