^

Bansa

Make-up class inutos ng DepEd dahil sa APEC

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inatasan ni Education Secretary Armin Luistro ang lahat ng paaralan sa Metro Manila na magdaos ng make-up classes pagkatapos ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders’ Meeting sa Maynila.

Ito’y upang mabawi ng mga mag-aaral ang apat na araw na hindi sila pumasok matapos na ideklarang holiday ang APEC week.

Ipinauubaya naman ni Luistro sa mga school superintendents ang schedule nang idaraos nilang make-up classes.

Matatandaang ang holiday ay nagsimula ng Nobyembre 17 hanggang 20.

Gayunman, may ilang paaralan ang hindi na rin pinapasok ang kanilang mga estudyante at mga guro simula pa Nobyembre 16 upang maiiwas ang mga ito sa matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko dahil na rin sa pagsasarado ng ilang kalsada sa bansa bunsod ng APEC.

Bawat paaralan ay nire-require na magdaos ng 201 days of classes kada academic year.

 

ANG

ASIA-PACIFIC ECONOMIC COOPERATION

BAWAT

EDUCATION SECRETARY ARMIN LUISTRO

GAYUNMAN

INATASAN

IPINAUUBAYA

ITO

LUISTRO

METRO MANILA

NOBYEMBRE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with