^

Bansa

Obama, Xi, iba pang world leaders dumating na para sa APEC

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sunud-sunod na nagdatingan kahapon ang mga head of states para dumalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders Summit.

Dumating bandang ala-una ng hapon sakay ng Air Force One si US Pres. Barack Obama at saka sumakay ng chopper na Marine One.

Habang lumilipad ang Marine One ay naka-escort kay Obama ang isa pang kahalintulad na chopper at dalawang V-22 Osprey multirole combat aircraft.

Matapos na mag-touch down ang Air Force One ay humimpil ito sa Villamor Airbase.

Karamihan sa mga heads of state ay sa tarmac ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nag-parking.

Ang overnight travel ni Obama ay matapos ang pagdalo sa G-20 Summit sa Turkey.

Inaasahang pag-iibayuhin pa ni Obama ang relasyon sa iba pang mga bansa sa Asya-Pasipiko lalo na at may malaking problema laban sa ISIS, West Philippine Sea dispute at pagsusulong niya sa Trans-Pacific Partnership trade agreement.

Dumating na rin sa bansa si Chinese Pres. Xi Jinping sa Terminal 1 ng NAIA.

Ang pagdating ni Xi ay isang oras matapos ang paglapag sa Manila ni Obama.

Mainit na sinalubong ng mga opisyal ng pamahalaan si Xi paglapag nito sa NAIA lulan ng kanyang presidential plane Air China.

Inaasahan na ang pagbisita ni Xi ay lalong magpapatatag sa bilateral relations sa pagitan ng Pilipinas at China sa kabila ng sea dispute.

Ang iba pang mga heads of state na nasa bansa na ay sina South Korean Pres. Park Geun-Hye; Malaysian Pres. Najib Razak; ?Mexican Pres. Enrique Peña Nieto;? Vietnamese Pres. Tr??ng T?n Sang;? Chinese-Taipei representative ex-Vice Pres. Vincent Siew; New Zealand PM John Key; Colombian Pres. Juan Manuel Santos; Chile Pres. Michelle Bachelet;? Papua New Guinea Prime Minister Peter O’Neill; Thailand PM Prayut Chan-o-cha at Sultan Hassanal Bolkiah ng Brunei.

AIR CHINA

AIR FORCE ONE

ANG

ASIA-PACIFIC ECONOMIC COOPERATION

BARACK OBAMA

CHILE PRES

CHINESE PRES

COLOMBIAN PRES

MARINE ONE

OBAMA

PRES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with