^

Bansa

Parusa sa tanim-bala taasan - Miriam

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang araw matapos ang pagdinig sa Senado ng “tanim-bala” scam, iginiit ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na dapat ng itaas ang parusa sa pangingikil o extortion sa pamamagitan ng pagtatanim ng ebidensiya tulad ng laglag bala na talamak sa Ninoy Aquino International Airport.

Balak ni Santiago na maghain ng isang panukalang batas na mag-aamiyenda sa Republic Act No. 10591 o ang “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act,” para maitaas ang parusa sa mga magtatanim ng ebidensiya.

Kung maamyendahan ang nasabing batas, gaga­wing 12-20 taong pagkabilanggo ang parusa sa sinumang mahuhuling naglalagay o nagtatanim ng bala na ang layunin ay makasuhan o makikilan ang biktima.

Sinabi ni Santiago na kahit pa hindi na gawing krimen ang pagdadala ng bala ng hindi lalampas sa tatlo sa pamamagitan ng pag-amiyenda sa RA 10591, maari namang dagdagan ng nagbabalak ‘magtanim’ ng bala ang ilalagay sa bagahe o gamit ng kanilang biktima.

Naniniwala si Santiago na dapat magbigay ng mahigpit na mensahe ang gobyerno na hindi nito kukunsintihin ang anumang gawaing kriminal lalo na ang pagtatanim ng ebidensiya. 

Sa kasalukuyan ang parusa lamang sa pagtatanim ng ebidensiya ay prison mayor o pagkabilanggo ng mula anim na taon hanggang 12 taon.

ACIRC

ANG

BALAK

COMPREHENSIVE FIREARMS AND AMMUNITION REGULATION ACT

ISANG

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

NANINIWALA

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

REPUBLIC ACT NO

SENADO

SINABI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with