Comelec pinagpapaliwanag ng SC sa voters registration extension
MANILA, Philippines – Pinagpapaliwanag ng Korte Suprema ang Commission on Elections kaugnay sa petisyon ng ilang grupo ng kabataan na humihiling na palawigin ang voters registration.
Sa en banc session kahapon, kasama sa natalakay ang petisyong inihain ng Kabataan Party List, Anakbayan, League of Filipino Students at iba pang grupo ng mga kabataan laban sa Comelec Resolution Numbers 9853 at 9981 na nagtatakda ng deadline sa voters registration sa October 31, 2015. May 10 araw ang Comelec para magsumite ng komento.
Tinukoy na batayan ng mga petitioner ang Section 8 ng Voter’s Registration Act na nagsasabing ang personal na pagsusumite ng aplikasyon para sa voters registration ay dapat na gawing araw-araw sa Tanggapan ng Election Officer, pero ang registration ay hindi na maaring gawin 120 araw bago ang regular election at 90 araw bago ang special election.
Kaya kung pagbabatayan ang nasabing probisyon, ang voters registration ay dapat na mapalawig hanggang Enero 8, 2016.
- Latest



















