Gastos ng Pinas sa APEC tiyaking may balik - Gatchalian
MANILA, Philippines – Hinamon ni Valenzuela City Rep. Win Gatchalian si Pangulong Aquino na siguruhing may magiging magandang balik ang gagastusing P10 bilyon ng gobyerno sa darating na Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa susunod na linggo.
Sinabi ni Rep. Gatchalian, dapat may magandang resulta ang pagiging host ng bansa sa APEC dahil P9.8 bilyon ang inalaang pondo para rito.
Giit ni Gatchalian, ang nasabing halaga ay napakalaki na para mailaan sa edukasyon at iba pang social services sa bansa.
Aniya, dapat pangunahan din ni PNoy ang pagkakaroon ng partisipasyon ng SME’s at ang karagdagang investment sa human capital development para magkaroon ng kabuluhan ang partisipasyon ng Pilipinas sa regional trade.
- Latest























