Hearing sa Philippines vs China sa Nobyembre 24
MANILA, Philippines – Itinakda na ang unang oral hearing para sa reklamo ng Pilipinas sa panghihimasok ng China sa karagatang sakop ng ating bansa.
Batay sa pahayag mula sa Department of Foreign Affairs (DFA), gagawin ng United Nations (UN) Permanent Court of Arbitration ang unang hearing sa Nobyembre 24, 2015 sa Peace Palace, The Hague, Netherlands.
Ang naturang schedule ay inilabas pagkatapos ibasura ang argumento ng China noong Oktubre 29, 2015 na kumukwestyon sa hurisdiksyon ng UN body para hawakan ang kaso.
Subalit para sa China, null and void ang desisyon ng international tribunal at nanindigang hindi sasali sa arbitration proceedings.
- Latest

















