^

Bansa

‘Lampas droga’ nakakalusot sa NAIA - Gatchalian

Butch Quejada, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ibinunyag ni Nationalist Peoples Coalition (NPC) Rep. Win Gatchalian na baka pantakip lamang ng mga sindikato sa NAIA ang laglag-bala dahil sa pinapalusot nilang droga sa paliparan.

Ayon kay Rep. Gatchalian, naging mahigpit ang mga Office of Transport Security (OTS) personnel sa pagsuri sa mga bagahe ukol sa laglag-bala pero himalang nakalusot sa X-ray machine ang 2.5 kilo ng cocaine sa bagahe ng 4 na Pinay na naaresto sa Hongkong noong nakaraang buwan.

Giit ni Gatchalian na kandidatong senador ng NPC sa 2016 elections, kung hindi inutil ay maituturing na “stupidity” na hindi nakita sa x-ray machines ng OTS ang nasabing droga gayung nakikita ng mga ito ang ilang maliliit na bala sa mga bagahe.

Kinumpirma naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) na naaresto sa HK airport dahil sa bigong pagpupuslit ng 2.5 kilo ng cocaine ang mga Pinoy na sina Sheryl Chua, Marilou Thomas, Remelyn Rogue at isang dentist na nakilala na si Dr. Ana Loella noong Setyembre 26.

vuukle comment

ANG

AYON

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DR. ANA LOELLA

GATCHALIAN

MARILOU THOMAS

NATIONALIST PEOPLES COALITION

OFFICE OF TRANSPORT SECURITY

REMELYN ROGUE

SHERYL CHUA

WIN GATCHALIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with