^

Bansa

Sen. Lapid kinasuhan ng graft sa fertilizer scam

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sinampahan ng Ombudsman ng kasong graft sa Sandiganbayan si Sen. Lito Lapid kaugnay ng fertilizer fund scam noong siya ay gobernador pa ng lalawigan ng Pampanga.

Kapwa akusado ni Lapid sina Benjamin Yuzon, provincial accountant at Vergel Yabut, treasurer ng Pampanga, Ma. Victoria Aquino-Abubakar at Leolita Aquino, mga incorporators ng Malayan Pacific Trading Corp.(MPTC)  at Dexter Vasquez, proprietor ng DA Vasquez Macro-Micro Fertilizer Resources (DAVMMFR).

Nagkaroon umano ng sabwatan ang mga akusado noong Mayo 2004 sa pagbili ng overpriced na fertilizer.

Umabot sa 3,880 litro ng Macro-Micro Foliar Fertilizer ang binili ng Pampanga sa DAVMMFR at ipinamigay ng MPTC.

Pero napatunayan ng Ombudsman prosecutors na hindi umano dumaan sa public bidding ang mga ferti­lizer at pinalabas lamang sa sertipikasyon ni Lapid na wala ng ibang maaaring ipampalit na abono sa kanilang nabili kayat pumasok ito sa direct purchase.

Kinuwestyon din ang mabilis na delivery at pagbabayad sa proyekto na tumagal lang ng 14 araw.

Sa record, Agosto 15, 2005 lang nag-aplay ng Product Registration si Vasquez sa Fertilizer Pesticide Authority pero ang kontrata ay nangyari noong Mayo 2004.

Sinasabing P4.7 milyon ang ibinayad sa MPTC ng Pampanga o P1,250 kada litro o overpriced ng P1,100 kada litro o kabuuang P4.268 milyon.

BENJAMIN YUZON

DEXTER VASQUEZ

FERTILIZER PESTICIDE AUTHORITY

LAPID

LEOLITA AQUINO

LITO LAPID

MACRO-MICRO FOLIAR FERTILIZER

MALAYAN PACIFIC TRADING CORP

PAMPANGA

PRODUCT REGISTRATION

VASQUEZ MACRO-MICRO FERTILIZER RESOURCES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with