19 PNP officials pinasisibak sa rubber boat scam
MANILA, Philippines – Iniutos ng Office of the Ombudsman ngayong Biyernes ang pagpapasibak sa 19 opisyal ng Philippine National Police kaugnay ng maanomalyang pagkuha ng police coastal crafts (PCCs) na nagkakahalaga ng P4.54 milyon noong 2009.
Lumabas sa imbestigasyon na hindi dumaan sa tamang proseso ang pagbili sa mga rubber boat.
Walang public bidding na naganap ngunit pinalabas na pasado ito sa acceptance criteria, dagdag ng Ombudsman.
Nahaharap sa kasong grave misconduct at gross neglect of duty ang mga sumusunod na opisyal na sina:
- Senior Superintendent Asher Dolina
- Senior Superintendent Ferdinand Yuzon
- Senior Superintendent Cornelio Salinas
- Senior Superintendent Thomas Abellar
- Senior Superintendent Nepomuceno Magno Corpus, Jr.
- Senior Superintendent Rico Payonga
- Chief Superintendent Reynaldo Rafal
- Chief Superintendent Rizaldo Tungala, Jr.
- Senior Superintendent Alex Sarmiento
- Senior Superintendent Aleto Jeremy Mirasol
- Superintendent Michael Amor Filart
- PO3 Avensuel Dy
- Superintendent Job Marasigan
- Superintendent Leodegario Visaya
- Chief Superintendent Juanito Estrebor
- Chief Superintendent Renelfa Saculles
- Superintendent Henry Duque
- PNP Accounting Division Chief Antonio Retrato
- Chief Superintendent George Piano
Pinasipa rin si Commission on Audit Auditor for PNP Jaime Sañares dahil sa gross neglect of duty.
Mahaharap naman sa multiple violations ng Anti-Graft and Corrupt Practices sina Roselle Ferrer at Pacita Umali ng Four Petals Trading (FPT), ang supplier ng rubber boats.
Noong 2009 ay humingi ng pondong P5 milyon ang PNP para sa pagkuha ng 20 PCCs.
Hiniling ni Bumanglag na taasan ang presyo ng mga ito sa P312,000 mula P250,000 at dahil dito ay 16 na rubber boats lamang ang nagkasya imbis na 20.
Lumabas sa pagsisiyasat noong 2010 na maraming depekto ang mga rubber boat katulad ng mga:
- lack of water temperature gauges, fuel gauges, engine oil pressure gauges and speedometers
- engines were not operational
- no rudder posts, one damaged outrigger
- no ampere gauge
- no canvass
- no hole back portion for starboard side
- no alternator
- stacked-up transmission
- no heater plug
"The significant events leading to the procurement of 16 PCCs would not only reveal badges of irregularities but also of haste and preference to buy from FPT as the sole and only choice of supplier for coastal crafts," sabi ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales.
Nitong kamakalawa ay 12 opisyal din ng PNP ang pinakakasuhan ng Ombudsman kaugnay naman ng AK-47 scam.
- Latest