^

Bansa

Bilyong pondo na ‘di ginagamit pinababawasan para sa Lando victims

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dapat bawasan ng gobyerno ang bilyon-bil­yong pondo na hindi ginagamit upang matulungan ang mga naging biktima ng bagyong Lando partikular ang mga taga Central Luzon na itinuturing na ‘food basket’ ng bansa.

Sinabi ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto na kung may problema ang gobyerno sa hindi nagagamit na pondo, ito ang tamang panahon upang mapakinabangan ito.

Ayon kay Recto, ang Calamity Fund ay may balance na P9.6 bilyon base na rin sa pinakahu­ling posting ng Department of Budget and Management (DBM).

Ang Calamity Fund ay isang lump sum sa budget na ginagamit para sa pagtulong at rehabilitasyon ng mga lugar na tinamaan ng mga man-made at natural calamities.

Ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang nag-e-endorso ng Calamity Fund requests sa Office of the President para sa approval na nagpo-forward naman sa DBM para sa pagpapalabas ng pondo.

Sa huling update ng NDRRMC, P5.3 bilyon na ang iniwang pinsala ng bagyong Lando sa mga sinalanta nitong lalawigan sa Central at Northern Luzon habang aabot naman sa 33 katao ang death toll.

ACIRC

ANG

ANG CALAMITY FUND

ANG NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

CALAMITY FUND

CENTRAL LUZON

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

LANDO

NORTHERN LUZON

OFFICE OF THE PRESIDENT

SENATE PRESIDENT PRO-TEMPORE RALPH RECTO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with