^

Bansa

Mar-Leni magpa-file ng COC ngayon

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Magiging opisyal na ang kandidatura ng mga pambato ng Daang Matuwid na sina Mar Roxas at Leni Robredo ngayong araw sa kanilang paghahain ng Certificates of Candidacy sa Comelec.

Bago pumunta ng Comelec ay dadalo muna sa misa sina Roxas at Robredo sa Manila Cathedral sa Intramuros, kasama ang kanilang mga pamil­ya, kaalyado at malalapit na kaibigan. Inaasahang dadalo ang mga malala­king pangalan sa likod ng Liberal Party at iba pang mga civil society organizations na todo ang suporta sa tambalang Mar-Leni.?

Hanggang Biyernes na lamang ang paghahain ng mga certificate of candidacy ng mga nagnanais tumakbo para pangulo o pangalawang pangulo sa darating na halalan. Halos 36 tao na ang pumunta sa Comelec para maghain ng kanilang kandidatura para maging pangulo, kasama na si Vice President Jejomar Binay.

Pumapangalawa na sa mga survey si Roxas mula sa pang-apat na puwesto noong nakaraang Hunyo.

Ayon sa mga political analyst ay nakatulong ang naging pag-endorso ni Pangulong Aquino na si Roxas ang karapat-dapat magpatuloy sa asensong sinimulan ni PNoy sa administrasyon ng Daang Matuwid.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

CERTIFICATES OF CANDIDACY

COMELEC

DAANG MATUWID

HANGGANG BIYERNES

LENI ROBREDO

LIBERAL PARTY

MANILA CATHEDRAL

MGA

ROXAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with