^

Bansa

Pang-20 sa naghain ng COC: ‘Rizalito vs Poe’

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaasahang muling magsasagupa sina Senator Grace Poe at Rizalito David matapos na maghain ng kanyang  kandidatura sa pagka-pangulo ang huli sa tanggapan ng  Commission on Elections (Comelec) bago ito magsara kahapon ng hapon.

Si David ang  ika-20 sa 22  kandidato sa pagka-pangulo na naghain ng COC. Si David din ang  nagsampa ng disqualification  case laban kay Poe sa  Senate Electoral Tribunal (SET). 

Bukod kay David, naghain  din ng  COC sa pagkapangulo sina Vice President Jejomar Binay; Augusto Syjuco Jr.; Elly Pamatong; Ephraim Defiño; David Alimorong; Ralph Masloff; Camilo Sabio; Freddiesher Llamas; Danilo Lihaylihay; Adolfo Inductivo; Sel Hope Kang; Ferdinand Jose Pijao; Ramon Concepcion; Ferdinand Fortes; Eric Negapatan; Gerald Arcega; Leonardo Bulabula; Alejandro Ignaci at Arsemio Dimaya, Roberto Marin at Ferdinand Pijao.

Sina Senator Gringo Honasan naman at Myrna Mamon at Albert Alba  ang unang tatlong naghain ng COC sa pagka-bise presidente.

Muli namang susubukin ni dating  senador Panfilo Lacson  na makabalik sa senado. Lalahok din sina Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, na sinuportahan ng aktres na si Angel Locsin; Ricky Bacolod; Angel Ridoble; Victoriano Inte at Daniel Magtira na dati nang  tumakbo sa pagkapangulo noong 2013 at nagpakilalang  asawa  ng  presidential sister na si Kris Aquino.

Sinuportahan din si  Colmenares  ng  political artist na si  Mae Paner, o mas kilalang “Juana Change,” dating Bayan Muna Party-list  Rep. Satur Ocampo, at Gabriela Party-list Rep. Emmi de Jesus.

Binigyan diin naman ni Locsin na ang kanyang pagsuporta kay Colmenares ay hindi lamang sa pagiging magkamag-anak kundi paniniwala sa galing at kakayahan nito na paglingkuran ang mga Filipino.

Sa ngayon, wala pang inilalabas ang Comelec na guidelines kung paano matutukoy ang nuisance candidate kaya’t hindi mapipigilan ang sinuman na gustong maghain. Sa buwan pa ng Disyembre inaasahang malilinis ang listahan ng mga pangalan ng mga kandidato. Malinaw sa resolusyon ng Comelec ang mga requirement sa paghain ng COC.

Matapos ang filing ng COC ay isa-isang bubusisiin ng Comelec ang mga kandidato at saka ilalabas ang final list of candidates na pumasok sa requirements na itinakda ng batas. Sa Pebrero naman mag-uumpisa ang campaign period para sa national positions.  May integrity pledge wall din na inihanda ang Comelec.

Bagamat hindi naman ito requirement, hinimok pa rin ng ahensiya ang mga kandidatong pumirma rito matapos mag-file ng COC.

 Nakalagay sa integrity pledge wall na sana’y magkaroon ang bansa ng malinis malaya at mapagkakatiwalaang halalan. 

 

ADOLFO INDUCTIVO

ALBERT ALBA

ALEJANDRO IGNACI

ANG

ANGEL LOCSIN

ANGEL RIDOBLE

ARSEMIO DIMAYA

AUGUSTO SYJUCO JR.

COMELEC

NBSP

SI DAVID

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with