^

Bansa

Tolentino biktima ng pambu-bully?

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nabiktima lamang umano ng pambu-bully ang nagbitiw na si dating MMDA chairman Francis Tolentino upang pagtakpan ang kasalanan ng ilang senatorial bets.

Sa pahayag ni Alberto Vicente, tagapagsalita ng Alliance for Good Go­vernance, ilang miyembro umano mismo ng Liberal Party ang nasa likod ng “demolition job” laban sa mga kakampi sa partido na nagpahayag na ng interes na kumandidato sa pagka-senador.

“Mas kuwalipikado si Tolentino kaysa sa ibang aspirante sa Senate slate ng LP. Ayaw ng LP ng matalino at baka malaman ni Tolentino ang mga kalokohan nila. Ang ginawa sa kanya ay maaaring mangyari rin sa iba,” ayon kay Vicente.

May impormasyon din umano si Vicente na mula rin mismo sa LP ang nasa likod ng mga smear campaign laban sa mga hindi nito nais na makapasok sa senatorial slate ng partido. Bukod kay Tolentino na umano’y naging pinakamadaling target na mailaglag sa senatorial line up, tinukoy nito ang nangyari kay TESDA secretary general Joel Villanueva na nahaharap sa pork barrel case na ayaw umano ng ilang miyembro ng LP na nasa kampo ni presidential candidate Mar Roxas na makasama sa tiket sa pagka-Senador at nais ring matanggal ito sa gabinete.

Kumbinsido rin ang grupo na isang LP official ang nasa likod ng pag-leak ng mga larawan na kuha sa birthday party ng isang kongresista sa Laguna noong isang linggo na kumalat sa social media at lumikha ng malaking kontrobersya.

Nagbitiw na rin si Tolentino sa posisyon sa MMDA at naiwan ang mga programa niya tulad ng pagbuhay sa MMDA Pasig Ferry System, kampanya laban sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar, emergency response team sa mga malalaking sakuna at paglilinis sa mga estero sa Kamaynilaan.

ALBERTO VICENTE

ANG

FRANCIS TOLENTINO

GOOD GO

JOEL VILLANUEVA

LIBERAL PARTY

MAR ROXAS

MGA

PASIG FERRY SYSTEM

TOLENTINO

VICENTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with