^

Bansa

Malacañang wala raw alam sa dismissal ni Mayor Junjun

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Itinanggi kahapon ng Malacañang na may kinalaman ito sa ginawang pagsibak ng Ombudsman kay Makati Mayor Junjun Binay at 19 pang opisyal kaugnay sa diumano’y maanomalyang Makati City Hall Building II.

Ayon kay Deputy Pre­sidential Spokesperson Abigal Valte, independent ang Ombudsman at ito ang mas makakasagot ng akusasyon ng kampo ni Binay na minadali ang pagpapalabas ng dismissal order.

“Una po, hindi na po kami dapat pang magkomento diyan kasi separate and independent po ang opisina ng Ombudsman mula ho sa tanggapan ng ating Pangulo, so sila na lang po ang pwedeng sumagot ‘non. We do not have a hand in the processes of the Ombudsman, so sila po ‘yung mas makakasagot doon sa mga statement ‘nung pamilya Binay,” ani Valte.

Ipinauubaya na rin ng Malacañang sa Commission on Elections ang plano ni Binay na ituloy ang paghahain ng certificate of candidacy.

Pero ipinaalala ni Valte na isa sa mga magiging balakid para kay Binay ang kalakip sa kautusan na “perpetual disqualification” na makapagsilbi sa anumang tanggapan ng gobyerno.

ACIRC

ANG

ATILDE

AYON

BINAY

DEPUTY PRE

MAKATI CITY HALL BUILDING

MAKATI MAYOR JUNJUN BINAY

MALACA

SPOKESPERSON ABIGAL VALTE

VALTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with