^

Bansa

Leni: Karakter ‘wag personalidad

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Karakter ng kandidato ang tingnan at hindi ang personalidad.

Ito ang payo ni Liberal Party vice presidential candidate Leni Robredo sa halos 500 mag-aaral sa isang forum ukol sa youth empowerment sa Carlos Hilado Memorial State College sa Talisay, Negros Occidental.

Ayon kay Robredo, madali para sa isang kandidato ang mangako ngunit ang dapat tingnan sa huli ay kung mayroon siyang magandang karakter para ito’y tuparin.

“Madaling mangako ng magagandang plano pero at the end of the day, kung ano ang pagkatao mo, kung sino ka, iyon ang batayan ng kaya mong gawin,” giit ni Robredo.

Bumisita si Robredo sa Bacolod City noong Martes, isang araw matapos tanggapin ang alok na maging bise presidente ni LP standard bearer Mar Roxas.

Sa pagbisita ni Rob­redo, isinantabi ng mga lokal na opisyal ng Negros Occidental ang pulitika at mainit na sinalubong ang pambato ng LP sa pagka-bise presidente.

“Isang malaking kara­ngalan para sa lalawigan ang bisitahin ng ating susunod na bise presidente,” wika ni Gov. Alfredo Maranon Jr. sa isang seremonya bilang pagsalubong kay Robredo sa kapitolyo.

Ang governor at mga alkalde ay kabilang sa iba’t ibang partido ngunit pansamantala nila itong isinantabi sa pagsalubong kay Rob­redo.

ACIRC

ALFREDO MARANON JR.

ANG

AYON

BACOLOD CITY

CARLOS HILADO MEMORIAL STATE COLLEGE

LENI ROBREDO

LIBERAL PARTY

MAR ROXAS

NEGROS OCCIDENTAL

ROBREDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with