^

Bansa

Jinggoy, Bong pwede pang tumakbo sa 2016

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dahil maituturing pang mga inosente, maaari pang tumakbo sa nalalapit na eleksyon sina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Bong Revilla, ayon kay Senate President Franklin Drilon.

Sinabi ni Drilon na base sa Saligang Batas ay pagbabawalan lamang tumakbo sina Revilla at Estrada kung napatunayan na silang nagkasala.

 “Pwede po, dahilan sa hindi pa naman sila disqualified, hindi pa sila convicted. They are presumed innocent hanggang po magkaroon ng judgment sa husgado. Yaan po ay nasa ating Saligang Batas,” pahayag ni Drilon sa kaniyang panayam sa radyo.

Kasalukuyang nakakulong sina Estrada at Revilla sa Philippine National Custodial Center sa Camp Crame kaugnay ng pork barrel scam.

Umaasa ang dalawang senador na makapagpiyansa sa kasong plunder matapos payagan ng korte ang kapwa akusadong si  Sen. Juan Ponce Enrile.

Nitong nakaraang linggo ay sinabi ni Revilla na nais sana niyang tumakbong pangulo ngunit naapektuhan ang kaniyang desisyon ng kinakaharap na kaso.

 

BONG REVILLA

CAMP CRAME

DAHIL

DRILON

JINGGOY ESTRADA

JUAN PONCE ENRILE

KASALUKUYANG

NITONG

PHILIPPINE NATIONAL CUSTODIAL CENTER

REVILLA

SALIGANG BATAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with