^

Bansa

Pag-upa ni Torres sa Hacienda Luisita, binubusisi na ng DAR

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binubusisi na ng Department  of Agrarian Reform (DAR) ang umano’y pag-upa ng lupain ni dating LTO Chief Virginia Torres sa Hacienda Luisita.

Ayon kay DAR Asst. Secretary  Justin Vincent La Chica, mali at ipinagbabawal ng ahensiya sa mga beneficiaries ng Hacienda Luisita na ipagamit o paupahan sa iba ang  mga lupaing ibinigay sa kanila sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program.

Sinabi ni La Chica na kung sakaling  mapatunayan sa imbestigasyon na pinagamit kay Torres ang nasabing lupain, agad silang aapela para kanselahin sa beneficiaries ang lupang ibinigay sa kanila ng DAR.

Anya, sa ngayon ay hindi pa nila alam kung may lupa ngang  inuupahan si Torres sa Hacienda at malalaman lamang nila ito kapag panahon na ng pag-aani ng tubo dahil sa panahong iyon makikita nila kung sino ang mga namuhunan doon.

Samantala, sinabi ni Su­gar Regulatory Administration (SRA) Administrator Regina Martin, sa kanilang pagkakaalam umaabot sa 120 hec­tares ang sinasabing inuupahan ni Torres sa Luisita.

Pero nagpapatuloy din umano ang kanilang im­bestigasyon kung tunay ngang inuupahan ito ni Torres o pumasok ito sa isang joint venture.

Kinumpirma naman ni Martin na may permit si Torres para makipag-trade ng domestic sugar, pero wala silang pinapayagan na mag-angkat ng asukal.

ACIRC

ADMINISTRATOR REGINA MARTIN

AGRARIAN REFORM

ANG

ANYA

CHIEF VIRGINIA TORRES

COMPREHENSIVE AGRARIAN REFORM PROGRAM

HACIENDA LUISITA

JUSTIN VINCENT LA CHICA

LA CHICA

REGULATORY ADMINISTRATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with