Metro Cebu may umento
MANILA, Philippines – Tatanggap ang mga manggagawa sa Metro Cebu ng umento sa kanilang arawang minimum na sahod.
Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa Region 7 ang 13-pisong karagdagan sa minimum na sahod ng mga manggagawa sa Metro Cebu.
Bukod sa Metro Cebu, sakop din ng umento ang mga manggagawa sa pribadong sektor sa mga siyudad ng Mandaue, Lapu-Lapu, Talisay, Naga, Carcar, at Danao at ang munisipalidad ng Compostela, Consolacion, Liloan, Cordova, Minglanilla, at San Fernando.
Subalit hindi sakop ng karagdagang sahod ang ibang lugar sa Cebu, Bohol, at Siquijor. Sa ilalim ng wage order RB VII-19, ang kasalukuyang 340-piso na minimum na sahod sa nabanggit na mga lugar ay magiging 353-piso sa oras na magkabisa na ang wage increase.
Ayon kay Sarcauga ang karagdagang P13 sa minimum na sahod ay bilang tugon sa petisyon na isinumite ng Alliance of Progressive Labor at Associated Labor Union –TUCP na humihiling ng P145.00 at 92.00 across the board sa sahod, ayon sa pagkakasunod. Iniulat din ni DOLE Regional Office No 7. Director Exequiel Sarcauga na bago naaprobahan ang pagtaas ng sahod, nagsagawa ng konsultasyon at public hearing ukol sa pagtataas ng sahod sa Regional Wage Board sa Cebu.
- Latest