^

Bansa

Wala ng oras sa BBL

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nauubusan na ng oras ang Kongreso para maipasa ang Bangsa­moro Basic Law (BBL) sa panibagong deadline na hanggang Disyembre.

Ayon kay Zamboanga Rep. Celso Lobregat, bigo ang Kamara na matapos ang period of interpellation ng panukala hanggang kamakalawa ng gabi na huling araw ng sesyon ngayong linggo.

Paliwanag pa ni Lob­regat, maipasa man ang panukala hindi na ito ang original form at kakain rin ng mahabang bicameral conference dahil malayo ang bersyon ng Kamara at Senado.

Sinabi pa ni Lobregat na kahit mapagtibay ang BBL ay hindi rin naman agad ito maipapatupad dahil pagkatapos ng enactment ay may plebesito pagkatapos ng 90 o 120 days na malabo ng mangyari dahil panahon na iyon ng kampanya.

Isa pa umanong kum­plikasyon ay ang paghahain ng certificates of can­didacy ng mga opisyal ng ARMM na hindi pa maaa­ring mag-file para sa posis­yon ng prime minister.

Ito ay dahil wala pang batas at magiging problema rin ang transition period dahil bagong halal ang mga opisyal.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BANGSA

BASIC LAW

CELSO LOBREGAT

DISYEMBRE

ISA

ITO

KAMARA

ZAMBOANGA REP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with