De Lima nagpaalam na sa DOJ
MANILA, Philippines —Ibinigay na ni Justice Secretary Leila de Lima ngayong Huwebes ang kaniyang huling talumpati kasabay ng kaniyang pamamaalam sa 118th founding anniversary ng Department of Justice (DOJ).
Sinabi ni De Lima sa kaniyang "State of the Department Address," na lilisanin niya na ang kagawaran, limang taon mula nang manilbihan siya doon.
"It is therefore with great hesitation that I will soon leave all of you as your secretary. And as soon as I step down I will, given the occasion, surely face the president. And when I do, I will tell him this: 'Mr. President, I was not able to fulfill my mission of delivering complete justice for all. But what I did was to leave behind a Department of Justice that will, in time, accomplish that mission'," pahayag ni De Lima.
Kumpiyansa si De Lima na nagawa naman niya ang kaniyang trabaho bilang kalihim.
"Sigurado po ako na hindi ako mapapahiya sa pangulo.”
Hindi naman binanggit ni De Lima kung kalian ang opisyal niyang paglisan sa DOJ.
Umaasa rin ang kalihim na mapapanatili ng papalit sa kaniyang pwesto ang mga nasimulang pagbabago sa kagawaran.
"As I turn over the reins to a new secretary of Justice in a not so distant time, I fervently wish that he or she will carry on with the good works of justice that we have begun and sustain the good things that we have institutionalized," sabi ni De Lima.
Isa si De Lima sa mga inaasahang tatakbong senador sa ilalim ng Liberal Party (LP), kung saan nasa pampito ang kaniyang pangalan sa pinakabagong Social Weather Station survey.
Sa kasalukuyan ay hindi pa rin naman kumpirmado ang kaniyang pagtakbo, ngunit nakatakdang pangalanan ng LP ang kanilang vice presidential bet at senatorial slate sa Setymebre 28.
- Latest