^

Bansa

Kamara kontra na luwagan ang Bank Secrecy Law

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tutol ang mga lider ng Kamara sa panukala ng Bureau of Internal Reve­nue (BIR) sa Kongreso na luwagan ang Bank Secrecy Law, kapalit ang pagpabor sa pagbaba sa Income Tax Rate.

Ayon kay House Speaker Feliciano Belmonte Jr., ang pagpapaluwag sa Bank Secrecy Law ay maaaring magdulot lamang ng takot sa mga local at foreign investors.

Kapag anya naaprubahan ang panukala ng BIR, sa halip na makatulong sa tax reforms ay baka maitaboy pa nito ang mga negosyante.

Para naman kay House Independent Minority Leader Ferdinand Martin Romualdez, ang pag-amyenda sa ilang probisyon ng Bank Secrecy ay hindi akma sa ngayon lalo’t bias daw ang kasalukuyang gobyerno laban sa political opposition.

Babala pa ni Romualdez, maaaring magamit ang panukala para i-persecute o i-harrass ang mga kalaban sa politika o kritiko ng administrasyon.

Hamon na lamang nina Belmonte at Romualdez kay BIR Commissioner Kim Henares, habulin na nito ang mga big-time tax evaders, smugglers at money launderers.

ACIRC

ANG

AYON

BANK SECRECY

BANK SECRECY LAW

BUREAU OF INTERNAL REVE

COMMISSIONER KIM HENARES

HOUSE INDEPENDENT MINORITY LEADER FERDINAND MARTIN ROMUALDEZ

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE JR.

INCOME TAX RATE

ROMUALDEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with