DTI Sec. Domingo nagbitiw
MANILA, Philippines – Kinumpirma ni Communications Secretary Sonny Coloma ang pagbibitiw sa puwesto ni Trade Secretary Gregorio Domingo pero wala pa umanong aksiyon dito si Pangulong Aquino.
May ulat na “burned out” na umano si Domingo kaya nais na nitong magbitiw kahit pa nasa kalagitnaan ng preparasyon para sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) meeting kung saan malaking papel ang gagampanan dito ng DTI.
Ayon kay Presidential Spokesperson Abigail Valte, wala namang nabanggit sa kanya si Domingo tungkol sa isyu ng pagbibitiw.
”I saw Secretary Domingo a few weeks ago… Wala naman po siyang nabanggit na ganyan. I have not been informed of any resignation of any of our Cabinet members, so wala pa naman pong anunsyo tungkol diyan. So, I will also make some inquiries, but as of the moment I have not been apprised of any… I have not been informed of any resignation from the Cabinet,” ani Valte.
- Latest