Sayyaf idineklarang terorista
MANILA, Philippines - Pinagtibay ng Basilan Regional Trial Court ang desisyon ng Department of Justice na kumikilala sa Abu Sayyaf Group (ASG) bilang terorista.
Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, kinatigan ni Judge Danilo Bucoy ng Basilan RTC Br. 2 ang petition for proscription kontra sa ASG ng kagawaran ayon sa Human Security Act.
Ibinase ni Judge Bucoy ang desisyon sa itinatakda ng Section 3 ng Human Security Act of 2007 na nagsasaad na ang organisasyon ay tinatag para gamitin sa terorismo, lumikha ng panic at manakot ng mga tao, pilitin o puwersahin ang gobyerno na sumunod sa kanilang mga unlawful demand.
Kasunod ng desisyon ng korte, nagkaroon na ng mas matibay na posisyon ang pamahalaan para habulin ang mga miyembro ng ASG maging ang mga taga-suporta at financier ng naturang terrorist group. Alinsunod ito sa Human Security Act at Terrorism Financing Prevention and Suppresion Act.
Matatandaang itinuring ng Estados Unidos na ang ASG ay pang-10th terrorist group sa buong mundo, habang itinuturing ng United Nations ang ASG na terorista sa mga bansa sa Asya.
- Latest