^

Bansa

ICC aakit ng turista, trabaho

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Iinagurahan ni Pa­ngulong Aquino ang bagong Iloilo Convention Center (ICC) sa susunod na linggo na inaasahang aakit lalo ng maraming turista at dagdag trabaho sa mga Ilonggo.

Mismong Pangulo ang mangunguna kasama si Senate President Franklin Drilon sa inagurasyon ng ICC sa darating na Lunes.

Naniniwala ang mga Ilonggo na lalong dadagsa ang turismo at lilikha ng maraming trabaho ang bagong 2-storey na ICC na nasa Business Park sa Manduria district na itinayo ng Megaworld na may 3,000 kataong capacity.

Sinabi ng mga negos­yante na ang bagong ICC ay magiging tiket ng Iloilo para maging pa­ngunahing pagdarausan ng mga convention at events sa buong Wes­tern Visayas region.

Ang bagong ICC ay mayroong unique na architectural design ng pamasong Ilonggo architect na si William Coscolluela na inspired ng Paraw, na isang native sailboat sa Visayan region habang ang glass wall naman nito ay itinatampok ang abstract design ng Dinagyang festival at ang mga indigenous stones naman nito ay ginamit sa façade at interior ng gusali.

Ang ICC ay proyekto ni Sen. Drilon na naging instrument sa tuloy-tuloy na pag-unlad ng Iloilo.

Sinabi ni Sen. Drilon, hindi lamang ang mga Ilonggo ang makikinabang sa bagong ICC kundi ang iba pang katabing mga bayan dahil sa lilikhain nitong karagdagang trabaho.

ACIRC

ANG

BUSINESS PARK

DRILON

ICC

ILOILO

ILOILO CONVENTION CENTER

ILONGGO

MGA

MISMONG PANGULO

SINABI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with