^

Bansa

De Lima hindi handang tumakbong VP sa 2016

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Wala sa plano ni Justice Secretary Leila De Lima na tumakbo sa pagkabise presidente para sa eleksyon sa susunod na taon.

Sinabi ni De Lima na bukod sa hindi siya handang tumakbo sa ikalawang pinakamataas na posisyon sa gobyerno ay wala pa rin naman siyang natatanggap na alok mula sa Liberal Party.

Napag-usapan ang kaniyang pagtakbo sa pagkabise president matapos sabihin ni Budget Secretary Florencio “Butch” Abad na maaaring maging running mate ni Interior and Local Government Secretary Manuel “Mar” Roxas II.

Sinabi ng kalihim na hanggang sa senado lamang ang kaniyang kayang takbuhan sa paparating na eleksyon.

Wala pa namang pormal na pagdedeklara si De Lima para sa kaniyang mga plano sa 2016, ngunit nagpahiwatig na siya na papasukin na ang mundo ng politika.

Noong kaniyang kaarawan ay sinabi niyang handa na siyang magtungo sa point S mula sa point J.

vuukle comment

ABAD

BUDGET SECRETARY FLORENCIO

DE LIMA

JUSTICE SECRETARY LEILA DE LIMA

LIBERAL PARTY

NAPAG

NOONG

ROXAS

SINABI

WALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with