Nagkaso kay Hagedorn kinasuhan din ng alkalde
MANILA, Philippines – Rumesbak ang kampo ni dating Puerto Princesa Mayor Edward Hagedorn laban sa mga nagdemanda sa kanya sa tanggapan ng Ombudsman.
Ito ay nang magsampa naman kahapon ang kampo ni Hagedorn sa tanggapan ng Ombudsman laban sa tatlong empleyado ng naturang lunsod na unang nagdemanda sa una.
Sa reklamo ni Atty. Agustin Rocamora, abogado ni Hagedorn, kinasuhan ng perjury sina Rodrigo Saucelo, Wilfredo Rama at Antonio Lagrada dahil sa paggamit ng pinekeng dokumento na ginamit laban kay Hagedorn para makasuhan ang Alkalde sa Ombudsman.
Sa demanda ng tatlong nabanggit, sinabing noong April 2015 ay nagsampa ang mga ito sa Ombudsman sa pagsasaad na si Hagedorn ay illegal umanong nakakuha ng P4 milyon mula sa pondo ng gobyerno kahit walang resibo, vouchers at iba pang kaukulang dokumento.
Nalaman din ni Rocamora na ang tatlo ay supporter ng kasalukuyang Mayor Lucilo Bayron na nagtangkang e-cover up ang umanoy pagbili ng ghost e-vehicles na hindi pa rin naidedeliver sa cityhall.
- Latest