^

Bansa

Abortion bill sosoplahin sa House

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagdeklara ng all-out support si Isabela Congressman Rodolfo “Rodito” T. Albano III sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para labanan at supalpalin ang isusulong na batas na magli-legalize sa abortion sa bansa.

“Imoral at hindi makatao ang abortion. Mali at labag ito sa utos ng Diyos at batas ng tao,” paliwanag ni Albano. “Dapat ganap na kondenahin ang pagkaitan ng buhay ang batang nasa sinapupunan pa lang ng isang ina, iresponsable at mali ito.”

Sinabi ni Albano sa isang pahayag na sinusuporta­han niya ang CBCP para hindi makapasa sa Kongreso ang pagli-legalize ng abortion bill kaya inaasahan ng kongresista na kokontrahin din ito sa Kamara ng kanyang mga kasamahang mambabatas.

“Sagrado ang buhay ng tao at bawat tao, ipinanganak at hindi pa ipinapanganak, ay napakahalaga. Ang sukatan ng bawat institusyon sa ating lipunan ay kung nababantaan o itinataguyod ang buhay at dignidad ng tao lalo na ng mga sanggol na hindi pa isinisilang,” diin ni Albano.

Kamakailan ay naglabas ng kalatas si CBCP President Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang abortion ay isa pa ring mortal na kasalanan.

“Nilalabag ng abortion ang saligang karapatang pantao lalo na ang karapatang mabuhay. Walang lugar sa Kongreso ang anumang panukala na gawing ligal ang abortion,” dagdag ni Albano.

ABORTION

ACIRC

ALBANO

ANG

CATHOLIC BISHOPS

CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

DAPAT

DIYOS

ISABELA CONGRESSMAN RODOLFO

KONGRESO

PRESIDENT LINGAYEN-DAGUPAN ARCHBISHOP SOCRATES VILLEGAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with