^

Bansa

Cloud seeding ilalarga vs El Niño

Joy Cantos, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakatakda nang magsagawa ng “cloud seeding operations” ang Department of Science and Technology (DOST) at Department of Agriculture upang malabanan ang epekto ng El Niño.

Sinabi ni DOST Secretary Mario Montejo na target na gamitin ang Doppler radars ng PAGASA upang maging “guides” sa cloud seeding.

Mangunguna sa cloud seeding operations ang DA sa pamamagitan ng Bureau of Water and Soils at magagamit ang radar upang mabatid kung tagumpay ito.

Sinabi naman ng PAGASA na dapat magplano ang DA ng malalaking cloud seeding operations. Inaasahan na sa pagtatapos ng taon, nasa 25 lalawigan sa Luzon ang posibleng makaranas ng matinding tagtuyot.

Mas malalakas na bagyo rin ang papasok sa bansa na hangad ng PAGASA na tumama sa mga dam ang ulan upang madagdagan ang antas ng reserbang tubig.

Nakahanda naman ang mga eroplano ng Philippine Air Force (PAF) na magsagawa ng cloud-seeding missions.

Sinabi ni PAF Spokesman Col. Enrico Canaya na ang Cessna LC 210 aircraft, mga piloto at crew nito ay may sapat na kasanayan para maideploy sa cloud-seeding operations.

Bukod dito, ang mga C130, C295, N22, B-412s at combat utility helicopters ay maaring magamit para maghatid ng mga supplies sa mga apektado ng El Niño.

Ang cloud seeding ay inaasahang makakatulong upang mapataas ang antas ng tubig sa Angat Dam, La Mesa, San Roque (Pangasinan-Benguet) at Magat sa Isabela.

ANG

ANGAT DAM

ATILDE

BUREAU OF WATER AND SOILS

CLOUD

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

DEPARTMENT OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

EL NI

ENRICO CANAYA

LA MESA

SINABI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with